Saturday, January 08, 2005
halos ibuhos ko na lahat ng oras ko sa blog ah!!! anyway, eto na naman ako, nagiintay na matapos ang download ng kazaa... shet, ten minutes na to ah... wait nga....
*tiningnan yung kazaa*
nyak... movie pala yung nada-download ko... tanga, soundtrack hinahanap ko eh...
stupid, stupid, stupid...
unlimited na itong internet... ala-una na ng madaling araw eh... sus, tagal kasi... banas.... ayan, inulit ko tuloy... ah, hayaan ko na nga lang... yamot to eh...
salamat sa pagtangkilik sa blog ko... kahit walang katuturan ito at puro katarantaduhan lang ang nilalagay ko dito... binabasa mo parin...
salamat.
ay..... ano ba naman yan!!!! sino ba sa inyo ang sira ang puso... ano yun? sira-broken puso-heart... broken hearted!!!! ay.... subtle na nga yun eh... anyway...
asar ako! ang laki na ng kasalanan na ginawa ko para lang mahiwalay siya dun noh! ako na nga gumawa ng paraan.... banas.... kung anu-ano na nga ang sinabi ko.... shet, wa epek... sa iba pa rin siya...
tangnang buhay to...
ayoko pa naman ng talo... masakit sa ego! sa pride! pano na ko????
ay, ambot sa imo!
mahal niya ba naman yun??? nagrerebound lang ata siya... pero ano ba naman yan, tagal ko na dito ah! nasa harap na niya ako!!!!!
nasasaktan ako na pilit niyang pinapakita sakin na wala lang sa kanya ang feelings ko.... parang ano naman kung mahal ko siya... tangna ah! ako na nga yung nagbuhos ng oras at paensya sa kanya ako pa maaagrabiyado???
dati pinilit niya ako makuha ulit, ayoko nun kasi nasa akin si ------. nung nawala si ------ sakin, balik ako sa kanya kaso may kasama na siya... nawalan siya ng kasama, may kasama naman ako.... ngayon sabay kaming walang kasama..... hindi ba pwedeng kami ulit???
ganun ba ako kahirap mahalin??? yung di ako makahanap ng matagal para sakin???
mahirap ba akong mahalin?
*12% na lang yung dina-download ko*
bakit nga kaya? ganun ba kasama ang ugali ko? ganun na ba ako kaasar???
bakit kaya pag ako na ang naghahanap, nawawala sa hawak ko??? kaya mahirap maging babae eh...
intay ka ng intay sa wala.
yukichiyu screamed her lungs out at 1:05 AM!