(Kumakanta to the tune of “pasko, pasko na naman muli”)
Kay saya ng fieldtrip… ang fieldtrip anong saya…. Lumabas sa shuttle ang amoy ni lola…. Sa bahay, paguwi lagupak sa kama… sana naman tayo ay iexcused bukas…
Anyway, ano ba naman ang kay gandang fieldtrip namin!!!! Sa bataan kame nagtungo at kami ay sumaya!!!!! Una, may pinuntahan kami na church… sobra… bintana na pala yung pinasukan namin… pano nalubog pala sa lahar yun… hahaha… ano ba naman yan, bahay na ng diyos eh natabunan pa ng lahar??? Hahaha…. Weirdo pero totoo…
Tapos nag stop-over kami sa isang lugar na dobleng kasiyahan… “DOUBLE HAPPINESS” yung pangalan… haaay… gago naman yun may-ari nun… wala na sigurong maisip na pangalan ng stop-over… hihihihi… kung malisosyo ka, iba iisipin mo!!! (para kasing pangalan ng motel…)
Alam niyo ba, sa bus walang tatalo sa saya!!! Kais naman buong class naming ang kasama… tapos ingay pa naming!!! Tatlong teacher na nga kasama naming ingay pa rin! Well, ano ba naman ang magagawa naming eh reputasyon ng section naming yun! Ang star section na pasaway…. Hahahaha….
Tapos katabi ko si she2… aun, kami magkatabi for he whole fieldtrip… nasa kabilang aisle sila kuya at arjay… sa harap naming si jean… at sa likod naming ang pinakamaingay… si pen2 at martin…
Hahahaha!
So ayun, pagkatapos sa stop-over, sa bataan na!!!! malayo-layo din ah… pero sulit kasi ang sarap umakyat!!! Pano, sa katarik-tarik na ng inakyat ng bus naming eh, isipin mo ba naman, aakyat pa kami ng 526 steps???? Sa cross kami pumunta…. At masaya!!! Kasi sa taas na 36 floors, ang taas taas niya, sobra!!!!!! Tapos nung nasa taas na kami (nagelevator kami paakyat nung cross) lahat ng AOM adik sa picture taking!!! Lahat ngiti pagharap ng camera…. Tapos lahat nagsigawan sa mga bintana ng “A_O_M!!!!!” astig diba???
Di pa diyan nataos yan, matapos dun, dumaan muna kami sa may buko pie shop… lahat bumili ng pasalubong…. Hahah… bumili ako ng buko pie!!! Si aileen nga tatlo binili eh!!!!!!!
Pero matapos yun, sa WOW Hilaga kami pumunta…. Nagbike…. At nagmunimuni…. Kasama ko dun yung barkada ko sa labas… sila ceasar at benedict… ikot kami ng ikot… naghahanap ng magawa at nagusap ng mga kagaguhang bagay sa mundo… tapos uwi na…
Pinakamasaya yung pauwi na… kasi lahat ng tao nagkakantahan na… dustungan!!! Tapos traffic pa….. yehey! Mga 7:30 na rin kami nakauwi ah…..
Sa lahat ng kasiyahan na nangyari nung araw na yun, di ko na inelaborate…. Dahil nasa isipan ko na lahat ng nangyari nun…. Sa mga kaklase ko, mahal na mahal ko kayo…. Salamat sa pitong taon ng pagsasama….. sana hindi hanggang ditto na lang ang biyahe natin… sana kapag bumaba tayo, minsan, sasakay ulit….
yukichiyu screamed her lungs out at 4:23 AM!
the imperfectionist *
yukichiyu
this blog's still
under reconstruction
just bear with me HARDstuff!
okies?
i'll be there...
tsktsk..