Friday, September 02, 2005
mundo'y huminto
pilit sumuskob sa malabong langit
hindi alam kung san lulugar
san magtatago
san pipirmi
sa ulan hinanda
ang sariling mabasa
di lam kung
kakayanin ang lamig ng tubig
ng bawat patak ng ulan
sinsasabing di napagtatanto
gamit at kulay ng langit
nakita ang ulap
hinawakan
hinagkan
ngunit ito'y totoo nga ba?
sadyang napakahirap
makita
ang hindi iiwan
ang isasama sa malayo
nang lahat ay iwanan
sa kawalan
di naghahangad nang kung anu pa man
kundi mahawakan lamang
ang ulap
at langit
bakit hindi masalo
patak ng ulan?
bakit hindi mahagkan
ulap sa pagkataas-taas
hindi maabot
hindi matanaw
hindi maaninag
ni anino ng langit
bigyang halaga
ngunit bawiin nang sadya
biglaan
di hinanda
ngayon ula'y pumapatak
sa palad kong nakalapat
sa lupa
sa konkretong daan
binibilang bawat isa
di makita
kung saan
nawala
kulog ay ramdam
kidlat ay kita
langit
ay madilim
sa pagiisa
di maisip kung san
tama
mali
di maintindihan
daloy ng salita sa aking mga daliri
hindi kontrolado
kumpas ng dila
di maalalayan
di mailahad
ipunin ang lahat
para sa huli'y
di nagiisa.
yukichiyu screamed her lungs out at 7:38 PM!