Wednesday, August 10, 2005
Kala ko kaya ko… hindi pala… haha… hindi naman niya binabasa ang blog ko kaya okay lang *siguro* na ibuhos ko lahat-lahat dito… kasi naman eh… ano na naman ba ito???
Minsan naiisip ko siya… haha… lam ko na di pwede… nagkasundo na kame di ba??? Pero ewan ko ba… nung unang mga araw pagkatapos nun, parang ang sarap!! Wala na siya sa sistema ko!!! Nakawala nako sa malapelikulang istorya namen… masarap pala na maiwan siya…
Pero habang tumatagal… parang pinaglalapit kame ng tadhana… ng mundo. Pilit na pinaghaharap… pilit na pinaglalapit… pero hindi pwede… kaya lumalayo ako..
Minsan nakikita ko siya, nakatingin. Sakin ba o sa kawalan??? Hindi ko alam… hindi pwede… kaya di ko siya tinitignan..
Ngumiti. Pinipilit kong ngumiti pag nandyan siya. Para maisip niya na masaya ako at di na niya dapat bwisitin pa sa buhay ko… pero sa loob ko, umiiyak at nagpipigil… dahil sa bawat kumpas ng dila ko na “ayos lang ako” ganun kalakas ang hampas ng puso ko na nagsasabing “sinungaling ka”.
Inuuna ko lang naman ang isip ko di ba??? Hindi maling magkunwari..lalo na kung ikabubuti naman ng pagkakataon ang dahilan mo… tama nga siguro ang nasabi niya nun… : “baka magkasama lang saten… naiintindihan mo ba?”
HINDI. Hindi ko maiintindihan… hindi ko lam kung bakit… kung bakit ang kitd-kitid ng pagiisip ko… na madalas madali akong maloko ng mga tao… na pati ang isip ko ay naaayos at nasisira ng isang salita lamang. Na kung bakit pinipilit kong iwanan pero kusang sumasama…
Sundan mo… sundin mo… lage na lang sundin, sundan, sundin, sundan… lage na lang ganun… hindi ba pwedeng iwanan???
Sinisipag na naman akong magsulat. Pasensiya na sa nagbabasa nito.. problemado lang ako..
Lage naman diba??? Lolx..
Kailangan ka… kita… dito… ewan ko kung bakit.. naguguluhan na ko… gusto kitang iwan… pero naiisip ko na di ko kakayanin… gusto kitang sundan at isama sa Malayo… pero naiisip ko na di pwede. Tama na siguro yun..
Hindi ako umiiyak. Kahit sa ano mang problema o sakit, di ko ugaling umiyak… kaya siguro nang nagkalayo tayo, di ako umiyak… dala ko parin ito hanggang ngayon..
Iiyak ko kayo ito?? Di ko kaya… di ako umiiyak.
Sabi nila mas mabuti daw at nawala ka saken… kasi nawawala na ko sa sarili… lage kang iniisip… lageng bukambibig… laging nandito sa isip at puso ko… pero naisip ko… nung nawala ka… bakit??? Bakit mo dinala pati pagkatao ko??
Para kong hinubaran ng katauhan… nawalan ako ng silbi… tumahimik ang mundo ko… pati kuwarto ko’y tumahimik… di na marinig ang himig mo… ang himig na matagal kong pinatugtog sa loob ng sarili ko…
Ewan ko ba… pero nalilimutan na kita….
Sana.
yukichiyu screamed her lungs out at 4:00 AM!