Sunday, February 06, 2005
Oi naka-ym ko siya! Harhar! As in nakakatuwa! Pano kasi, nung nakaonline ako nagonline siya…. Shet…. Ito na…
Na-IM ako sa kanya… sabi ko “hi”… nagreply siya, sabi niya “hello”… tapos sabi ko kung kilala niya ako, sabi niya wait lang…. maya maya nag IM na, sabi niya “taga AOM ka noh?” aba…. Eh di sinabi ko oo… tapos maya maya sabi niya…
“einjhel? Ange?”
aba… maparaan!
Tingnan ba daw naman sa friendster eh… jologs… pasaway…
Anyway, maya maya naman sabi niya gtg na daw… eh di sinabi ko “eh? Wala na naman akong kausap niyan?” tapos nagulat ako sinabi niya:
“baka mapagsarahan ako ng barber shop eh. Hair inspection bukas eh. ok lang ba?”
ano pa nga ba magagawa ko?
Anyway, lam mo ba, kakagaling ko lang sa bahay ng kaibigan ko… kaibigan ko na kapatid ng ex ko…. Hahahaha! Saya… nagsimba kasi kami nung friend ko… kaso nung dumating ako, di pa siya naliligo… shucks… tagal ko nagintay kaya ala ako choice kundi…. Ah, eh…. Kausapin yung ex kong yun….
Nyahaha…
Tapos nalimutan ko na hinihingi niya yung gloves ko for COCC… di ko tuloy nadala… pasaway… kaya nga after namin magsimba, pumunta kami sa concepcion market tapos bumili ako ng gloves para sa kanya… oh di ba???
Tinanong nung friend ko kung para kanino yung gloves… di ako makasagot grabe! Hiya ako…. Pero in the end, sinabi ko rin… tapos sinabi ko na lang na wag niyang sabihin sa kuya niya…. hehehehe…
Nung hinatid ko na yung friend ko sa bahay niya, binigay ko sa kuya niya yung gloves habang nagbibihis siya. Sabi nga nung ex ko “san nanggaling ito? Kala ko nalimutan mo?” sinabi ko na lang “basta!” tapos hirit niya….
“binili mo ito noh?”
aba naman…. Paspecial? Eh di sinabi ko “di ah, bakit naman kita bibilhan niyan? Give me one good reason!”
haha, di makasagot… pero di ba nagsinungaling na naman ako?
Sabi nga rin nung friend ko habang hinahatid niya ako sa gate ng subdivision nila… sabi niya nagsinungaling na naman daw ako…
Hihihhi…
Ano pa ba magagawa ko? Eh labs ko eh? :D
Tapos na touch pa ako sa sinabi nung firend ko…
“di ko talaga maisip na may ate angge ako…”
hah?
“bait mo kasi”
:D
syempre labs din kita CHERIFER! Sis kita eh! Anyway…. Sa sobrang loves ko ang aking lil sis eh binigyan ko pa siya ng cake... nyahaha! Loves you!
yukichiyu screamed her lungs out at 5:45 AM!