sabi nila, lahat ng kwento may happy ending... pero salahat ng happy ending, akin ang pinakamasaklap. hindi tapos... walang continuation... walang part two... wala na. pero ano nga ba ang happy ending? di ba napakaun-orthodox naman nyan? ano nga ba ang "happy" o "happiness"? sino ba talaga ang may alam kung ano sila? kung ano ang tama at ano ang mali? kung sino ang dapat at di dapat tularan? ano ba ang trust? mahalaga ba talaga ang softdrinks? tama ba na sabihin na mapait ang lasa ng ampalaya pero mapakla ang lasa ng atay? ano ba talaga ang halimaw? sino ba talaga si mahal? kelan ba talaga magugunaw ang mundo? bakit ba tayo tinawag na tao? sino ba talaga ang nagpauso ng otso-otso? 7 ba o 2? bakit 1+1=2? naisip mo na ba kung bakit lima ang daliri mo? ano ba talaga ang partner ng butter? bread o milk? kelan ba talaga nagsimula ang katarantaduhan sa mundo? bukas ba o ngayon? bakit nila sinasabi na lumingon sa pinanggalngan kung nasa gilid mo ang pinanggalingan mo? ano ang silbi ng tissue holder sa banyo kung wala namang tissue? saan ba talaga nagumpisa ang lahat? sa itlog o sa manok? mahal na ba ang bigas ngayon? pinalalaki ba nag napocor ang nakukunsumo nating kuryente? bakit ba nagkaroon ng world war two eh may vietnaman war naman? nagkaroon ka na ba ng aso? sinampal ka na ba ng kaaway mo? nakipaglips-to-lips ka na ba sa pusa niyo? saan ba nanggaling ang mga pesteng langgam? bakit ko ba naisip ang mga katarantaduhang ito???
wala akong magawa eh... pero sabi nga nila lahat ng kwento, may happy ending... oo HAPPY ending... sa sobra ngang kasiyahan namamatay yung bida sa huli o kaya naman sunog yung kalahati ng mukha bago ikasal pero magpapaplastic surgery muna sabay tadyak sa kontrabida... ako yan. yung kontrabida... namalayan ko na lang gusto ko lahat ng tao miserable... BWAHAHAHAHAHA! hindi, joke lang... ewan ko ba... mas masarap kaya maging kontrabida... kasi di ba lagi kang mayaman, maganda [charot!!!] at may gwapong lalakeng aali-aligid sayo! yikie! asteeg maging kontrabida... makikita mong pinahihirapan ang bida na bubuhusan mo ng asido sa mukha para mas maganda ka na sa kanya!!! nyahaha... [kahit alam mo na sa huli na yayaman siya, magpapaplastic-surgery at babalikan ka... kukunin pa jowa mo!] di ba? haha... ganayan sa telenovela, soap opera, pelikula... basta kahit anong istoryang PROUDLY PINOY!!! pero sa amerika palang ako nakakita ng movie na kontrabida ang humahalakhak sa huli... nakuha niya yung yaman, asawa, at posisyon sa lipunan nung bida!!!! namatay pa yung bida sa harap niya...! kaso nung ikakasal na siya, naglalakad siya papuntang altar eh bigla siyang bumagsak... may leukemia pala siya at dead on the spot siya... haha...
siguro masasabi natin na "cheaters never win" o kaya naman "good triumphs over evil" pero isipin din natin ang mga proverbs na "it's better to cheat than to repeat" at "nice guys finish last"... tama sila... nice guys finish last... haha... kasama ako sa mg anice guys dati... pero i finished last... napagiwanan ako!!! kaya ngayon, kontabida na ako forever!!! hahaha! itaguyod ang bandera ng mga taruray!!! nyehehehe... joke lang.... matagal ko nang alam na isa ko sa mga tao na wala nang ginawa kundi mambwisit at manggulo ng iba... pademure effect pa!!!!
yukichiyu screamed her lungs out at 9:52 AM!
the imperfectionist *
yukichiyu
this blog's still
under reconstruction
just bear with me HARDstuff!
okies?
i'll be there...
tsktsk..